Leni-Kiko napahiya sa Diocese ng Tandag

  • click to rate

     

    (Photo credit: @chie.abracosa/Facebook)

     

    Naging ugali na ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan ang bumisita sa mga simbahan. Noong dalawang araw na campaign sortie nga nila ay nagpunta ang mga ito sa Diocese ng Tandag, Surigao del Sur.

     

    Pinangunahan ni Bishop Raul Dael ang misa na dinaluhan ng mga pari, ministro, at parokyano sa CARAGA region.

     

    Pagbisita nina Leni-Kiko sa Tandag City

     

    Hiniling ng tambalang Leni-Kiko ang makipagpulong ng pribado kay Bishop Dael pero hindi sila pinaunlakan ng archbishop. Sa halip, pinangunahan nito ang misa na ginanap sa San Nicolas de Tolentino Cathedral .

     

    “We are trying to build up a new generation of electorates who search for the truth. And so, Madam Vice-President, Senator Kiko, hindi lahat naka-pink dito,” sabi ng archbishop.

     

    “Kaming mga pari gusto niyo kaming bigyan ng pink na facemask but we maintain that the church will not be endorsing someone but we will be accompanying our people so that their choice will always be based on principle at hindi dahil sa pera,” pahayag nito.

     

    Lininaw rin ni Bishop Dael na hindi lahat ng Katoliko sa Tandag ay “pink”. Marami sa kanila ang hindi pa nakakapag-desisyon kung sino ang iboboto sa darating na eleksyon. Ayon sa kanya, ang bawat isa ay may karapatan na pumili ng kanilang kandidatong susuportahan.

     

    Wala raw itong iniindorso na kahit na sinumang kandidato.

     

    “No, I am not endorsing someone. If Bongbong will come here and ask for the Mass, I will give it to him,” ániyá.

     

    Hanggang ngayon, may kumakalat na mga balita sa social media na napahiya umano ang kampo ni Robredo sa harapan ng maraming tao dahil sa pagtanggi ni Bishop Dael na iindorso ang nasabing kandidato.