
May magandang pananaw sa magiging resulta ng eleksyon sa Mayo si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tumatakbo ngayon bilang pangulo ng Pilipinas. Pero paano naman siya nakakasiguro na mananalo? Baka naman masyado lang siyang “feeling”, diba?
Tiwala diumano si Moreno na makakuha siya ng boto sa ‘silent majority’. It ay ang urban at rural poor pati na rin ang lower middle class.
Naamoy na nga standard bearer ng Aksyon Demokratiko ay tagumpay pagkatapos ng bilangan ng boto sa Mayo. Hindi na makapaghintay ang kanyang mga taga suporta na iluklok ito sa pwesto bilang ika-labing pitong pangulo ng Pilipinas.
‘Silent Majority’ na Inaasahan ni Isko Moreno
Marami ang nagtaas ng kilay sa sobrang tiwala ni Moreno na kanya ang huling halakhak kapag lumabas na ang resulta ng eleksyon. Sinasabi pa nga ng iba na baka “feeling” lang niya na mananalo siy.
Ayon ka Moreno, marami siyang nakilalang mga tao habang nangangampanya sa iba’t ibang probinsya na tikom ang bibig sa mga naglalabasang survey at isyung kinakaharap ng mga nangungunang kandidato.
Si Moreno ay pangatlo base sa resulta ng mga surverys habang pumapangalawa naman si Leni Robredo. Ang nangunguna ay si Bongbong Marcos.
Sa away raw ng malalaking grupo ng kampo ni BBM at Anti-Marcos (dilawan at kakampinks), may mga taong ayaw sumali sa gulo. Naniniwala si Moreno na irereserba nila ang kanilang boto para sa kanya.
“Sa sobrang away nila natatakot na ‘yung tao baka mawalan siya ng trabaho, baka hindi siya mabilhan sa tindahan niya o baka awayin siya ng kapitbahay niya, mawalan siya ng kaibigan, ina-unfriend siya, mapagsalitaan siya ng masakit kaya tumatahimik na lang. Feeling ko ire-reserve nila ‘yung boto nila sa takdang panahon,” sabi ni Moreno.
*Featured photo credit @PhilippineSTAR/Facebook