
(Photo credit: Facebook Page @politics.com.ph)
Nanindigan si Manila Mayor Isko Moreno na hindi raw siya aatras sa laban para sukuan ang hangaring maging ika labing pitong pangulo ng Pilipinas.
Sa halip, hinamon niya si Vice President Leni Robredo na ito na lang mismo ang magsakripisyo at mag-withdraw sa kanyang kandidatura.
“If the yellow-pink are calling for the supreme sacrifice, the same challenge they are giving us — now we are calling [on them]. Be a hero, withdraw, Leni,” ani Moreno kay Robredo.
Kung mahal umano ni Robredo ang bansa, hindi ito mag-aatubiling umatras sa kanyang kandidatura.
Matatandaan na inanim nina Moreno at Lacson na maraming beses silang nilapitan ng kampo ni Robredo para hikayating umatras sa kanilang kandidatura subalit itinanggi ito ng bise presidente.
“They’re trying to strip us of our supporters, ‘yung mga support groups. Ang nangyari sakin ‘yung Reporma na-hijack and ‘yung kay Mayor Isko, ‘yung Ikaw Muna sa Cebu, ganoon din. Marami talagang attempts and parang nili-limit talaga ‘yung choices sa dalawa,” sabi ni Lacson.
Samantala, inihayag ni Gonzales na may mga kumausap din sa kanya na mag-withdraw. Isa na dito ang former Commission on Elections commissioner na si Rowena Guanzon. Siya ay kilalang supporter ni Robredo.
“Publicly, kinausap ako, nagsalita sa public si former Commissioner Guanzon. Sinabi niya, ‘My friend Bert, magpaka-bayani ka. Umatras ka na. Tulungan mo ‘yung kandidato,’” ani Gonzales.
“Even if we all withdraw, our votes will not automatically shift to VP Robredo. So hindi valid na argument na lilipat sa kanila if we withdraw,” dagdag nito.
Bilang nasa panig ng oposisyon, nauna ng sinabi ni Robredo na nagdesisyon siyang tumakbo para masigurong hindi si Bongbong Marcos ang uupong bagong pangulo ng Pilipinas.