
Bagsak ang net approval rating ni Vice President Leni Robredo. Ito ay batay sa PAHAYAG First Quarter Survey ng PUBLiCUS na ginawa noong ika-30 ng Marso hanggang 6 ng Abril ngayong taong 2022.
Nakakuha si Robredo ng -9.9 na porsyento ng net approval rating. Sa nagdaang labing dalawang buwan na panunungkulan nito, 32.3 na porsyento lamang ang nagsabing masaya sila sa performance nito.
Samantala, 42.2 na porsyento naman ang hindi kumbinsido sa ipinakitang performance ng pangalawang pangulo.
Katunayan, siya lamang ang nakakuha ng mas maraming disapproval votes kesa sa approval votes mula sa mga respondents. Hindi tulad ng nakuha ng ibang mga opisyal ng pamahalaan na may mataas ring katungkulan.
Ang nasabing survey ay isinagawa ng Publicus sa 1,500 katao bilang mga respondents.
Bukod kay Robredo, kasali sa binigyan ng rating ang iba pang opisyal ng gobyerno tulad ng pangulo, senate president, chief justice, at house speaker.
Mababang Net Approval Rating ni Leni
Ang bagsak na net approval rating ni Robredo ay patunay lamang na marami na ang nawalan ng tiwala sa kandidato. Mapapansin din sa ibang mga industriyang nagsasagawa ng survey na mababa talaga ang mga numero nito.
Sa katunayan, hindi si Leni ang nangunguna na presidential candidate sa mga survey ngayong 2022 eleksyon. Bakit kaya?
May mga dahilan kung bakit nawalan na ng gana ang maraming Pinoy sa kanya. Ilan dito ay pagiging sinungaling at mapanlinlang nito.
Naiinis ang iba sa patuloy na pagtanggi ni Leni sa mga isyung ibinabato sa kanya gaya ng alyansa nito sa mga NPA, pag-alok sa ibang presidential bets na umatras sa kanilang kandidatura, pakikilahok sa black propaganda, at marami pang iba.