
(Photo credit: Facebook Page @themanilatimesonline)
Sa bibig na mismo nanggaling noon kay Leni Robredo na hindi niya hahayaang makabalik muli sa Malacañang ang mga Marcoses kaya umamim siyang ito ang isa sa mga dahilan ng kanyang pagtakbo.
Bilang pangalawang pangulo ng Pilipinas, hindi ito nakipag-tulungan sa administrasyon ni Duterte, bagkus pinili niyang kalabanin sila.
Maraming beses din siyang tinanong noon kung may balak ba itong tumakbong pangulo ngayong halalan 2022 pero makailang beses din itong nagsinungaling. Wala raw siyang ambisyon sa posisyon.
Kaya naman sinabihan siya ng iba na sinungaling noong ideklara niya ang kanyang pagtakbo at kandidatura.
Sa kalaunan habang hindi pa nagsisimula ang pangangampanya, nagpatuloy ito pagpapabango sa pangalan upang makakuha ng maraming taga-suporta.
Sa pag-arangkada na ng kampanya, kaliwa’t kanan ang mga gimik nito para ipakita na marami siyang mga kakampi at taga-suporta.
Gayunpaman, hindi pa rin ganun ka kumbinsido ang mga tao sa kanya. Sa dami ng mga bumabatikos dito, iba’t ibang isyu at kontrobersiya ang ibinabato sa kanya.
Sa katunayan, hindi siya makausad para manguna sa mga surveys. Nasa pangalawang pwesto pa rin ito hanggang ngayon na papalapit na ang halalan.
Kaya naman para masigurado ang panalo sa halalan, tinangka nitong alukin ang ibang tumatakbong pangulo na umatras sa kanilang laban at ibaling na lamang ang suporta sa kanya.
Hindi ito nagustuhan ng mga presidential aspirants kaya tumanggi sila sa alok ng kampo nito. Ibinunyag pa nila ang mga masasamang plano nina Robredo sa ginanap na pulong pambalitaan sa Manila Peninsula.
Imbes na tumutok sa kanyang pangangampanya at mga plataporma, panay paninira ang ginagawa ng kampo nila sa ibang kandidato. Paraan ba nila ito para palabasing si Robredo lamang ang karapat-dapat na manalo?
Kaya naman karamihan sa mga Pilipino ay ayaw sumama sa panawagan nitong magkaisa sapagkat wala silang nakikitang sinseridad para pagkatiwalaan ito.