
Kumakalat ngayon sa social media ang #KayLeniPatayTayo at #LeniNPA. Ito ay matapos ibunyag na mga dating rebelde at awtoridad na si Leni Robredo ang pambato ng mga komunista sa pagkapangulo.
Maliban sa nauna nang balita na alyansang Leni at CPP-NPA-NDF, ang pangalawang pangulo ay pormal na inendorso na rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Kung matatandaan, ang MILF ang responsable sa pagkamatay ng apat na pu't apat (44) na miyembro ng Special Action Force (SAF), na brutal na pinatay ng nasabing grupo sa isang engkwentro noon sa Mamasapano, Maguindanao.
Dahil dito, marami ang nagalit nang malaman nila na inendorso si Robredo ng teroristang grupo.
Batay sa mga intel reports, ang Makabayan Bloc ay tinukoy ring ‘legal fronts’ ng mga komunistang terorista. Nabibilang dito ang mga partylists na may koneksyon sa mga rebolusyonaryong grupo tulad ng Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers (ACT), at Gabriela.
Itinuro rin ng mga dating rebelde na ang mga mambabatas ng Makabayan Bloc ay mga opisyal ng komunistang grupo.
Sa katunayan, may mga miyembro pa nga silang pinapadala para dumalo sa mga campaign rallies ni Robredo. Kasama din ang mga ito sa nagbabahay-bahay upang ipangampanya ang kanilang kandidato.
Samakatuwid, nasa panganib ang Pilipinas pati na rin ang marami nating mga kababayan kapag nanalo si Leni Robredo. Ang mga komunistang ito ay magkakaroon ng posisyon sa kanyang gabinete.
Hindi lang ‘yun, mas lalakas pa ang pwersa ng mga terorista sa bansa. Kung ngayon pa nga lang ay hindi na maawat ang mga pagkilos nila sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, ano pa kaya kapag nanalo na ang manok nila.