
Simula nung umupong pangulo si Leni Robredo noong 2016, wala na siyang ginawa kundi batikusin ang kasalukuyang administrasyon tungkol sa ‘War on Drugs”.
Imbes na makipag-tulungan para tuluyan nang mawala ang paggamit ng ilegal na droga sa bansa, kinontra pa niya si Duterte sa paraan nitong supilin ang mga drug lords na siyang ulo at namumuno sa pagtutulak ng bawal na gamot.
Panay rin ang pamimintang niya sa mga mali ng kasalukuyang administrasyon pero di man lang niya makita at maamin ang sariling kamalian. Hindi niya kayang respetuhin ang pagsisikap ng gobyerno na puksain ang bawal na gamot sa bansa.
Dahil dito, sinabihan siyang tagapagtanggol at kakampi ng mga drug lord.
Pagkunsinti ni Leni sa Paggamit ng Bawal na Gamot
Taong 2016 nagsimulang sumuko ang karamihan sa mga gumagamit at nagtutulak ng droga. Ang mga ito nagsimula ng panibagong buhay at nagpasalamat sa ibinigay na pagkakataon ng pamahalaan upang magsimula muli.
Sa kabila nito, hindi niya binigyan ng halaga ang positibong epekto sa paglaban ng gobyerno sa bawal na gamot. Wala nang tamang ginawa ang pamahalaan sa kanyang paningin.
Baka naman nagbubulag-bulagan lang siya?
Matatandaang nagalit noon ang kampo ni Leni nang iugnay ang bayaw nitong si Butch Robredo sa ilegal na droga.
Ang nasabing kapatid ng yumaong si Jesse Robredo ay drug lord umano sa kanilang rehiyon.
Bukod sa bayaw nito, marami ring kaibigan si Robredo na pinangalanan ng pamahalaan na may mga kaugnayan sa droga.
Sila ba ang dahilan kaya hindi nakikipag-tulungan ang pangalawang pangulo sa ‘War on Drugs’ ng gobyerno? Kaya ba panay ang batikos nito dahil kinukunsinti niya ang mga drug lords?
Samakatuwid, nakakaalarma kapag nanalo si Leni dahil siguradong mas lalong magiging talamak na naman ang paggamit at pagtutulak ng droga sa bansa.