
Image Source: https://www.pep.ph/
Sa dami ng mga artista at sikat na personalidad na sumusuporta kay Leni Robredo, aakalain mo talagang siya na ang kandidatong panalo sa puso ng mga taga-showbiz.
Gayunpaman, hindi lahat ay gustong iboto si Leni. Marami ring personalidad na nasa entertainment industry ang may ayaw sa nasabing presidential candidate.
Ayon kay Manny Castañeda na isang actor-director, dumarami raw ang mga artistang hindi gusto si Leni. Sinabi nito sa isang post sa social media ang kanilang dahilan.
“Tulad ni Toni Gonzaga, maraming mga artista at mga taga showbiz ang hindi boboto kay Leni Robredo pero tahimik lamang sila dahil sa mga Pinklawan na masyadong agresibo, palaaway, at saksakan ng bastos,” sabi ng actor-director sa kanyang post.
Sa madaling salita, ang hindi magandang pag-uugali ng mga pinklawan ang dahilan kung bakit umaayaw na ang ibang mga artista sa nasabing kandidato.
“At kapansin-pansin din na lalong dumarami ang mga artista na umaayaw kay Leni dahil sa mga masamang ugali ng mga Pinklawan,” dagdag nito.
Karamihan ng supporters ni Leni ay taga ABS-CBN Kapamilya Network, subalit may mga umi-endorso rin sa kanya mula sa ibang networks katulad ng sa GMA Kapuso Network.
Kung matatandaan, binatikos ng mga pinkalawan ang ilang artista at mang-aawit na nagpahayag ng suporta sa mga kalabang kandidato ni Leni Robredo, pero hindi naman lahat ay palaaway at toxic.
Kabilang sa mga hindi nakaligtas sa pinklawan sina Katrina Velarde at Darryl Ong na nagsabing nawalan sila ng mga followers nung ideklara nila ang suporta sa UniTeam.
Hindi rin nagustuhan ng mga pinklawan ng piliing suportahan hi Joey Albert ang ibang kandidato at hindi si Leni ang inindorso.
Ganito rin ang nangyari kay Toni Gonzaga kaya napilitan itong magbitiw na lang bilang host ng Pinoy Big Brother (PBB), isang reality game show franchise na palabas sa ABS-CBN.
Dahil dito, mas pinipili na lang daw tumahimik ng ibang artista at umiwas sa gulo.