
(Photo courtesy of Michael Varcas via https://www.philstar.com/)
Si Leni Robredo na tumatakbong pangulo ngayong 2022 eleksyon ay gustong makamtan ang pinakamataas na posisyon sa bansa. Sa kabila ng kanyang hangarin na pamunuan ang Pilipinas, marami pa ring hindi kumbinsido sa kanyang kakayahan.
Simula kasi nung nanalo ito na pangalawang pangulo, napansin ng karamihan ang mga kilos nitong hindi kaaya-aya sa harap ng publiko.
Bilang pampublikong opisyal, nakakuha ito ng mga negatibong puna katulad ng pagiging mapanlinlang, hindi tiyak, walang direksyon, at kulang sa kakayahan.
Mababaw ang pananaw ni Robredo sa mga isyu na may kaugnayan sa konstitusyon, public international law, at iba pang mahahalagang usapin tungkol sa pampublikong interes. Ito na marahil ang dahilan kung bakit hindi ito pumasa noong unang pagkuha nito ng Bar examination.
Karera ni Leni Robredo sa Politika
Si Robredo ay naging kongresista simula 2013 hanggang 2016, ngunit wala itong naging mahalagang pakinabang bilang isang mambabatas.
Samantala, napansin din ng marami ang walang direksyon nitong mga pananaw noong nanalo ito bilang pangalawang pangulo ng Pilipinas. Sa loob ng anim na taon niyang panunungkulan, maraming mga kontrobersiya ang ikinabit sa kanya.
Pinuna rin siya sa pagkakawanggawa sa oras ng mga kalamidad na may layuning makakuha ng magandang imahe at mas lalong maging popular sa mata ng publiko.
Ang kawalan ng katiyakan ni Robredo sa mga plano nito ay naging bantog sa mga mamamayan. Kaya naman nakakuha ito ng mababang satisfaction rating.
Ipinalabas pa niya na may plano siyang tumakbo na lang para sa isang lokal na posisyon sa Bicol o di naman ay mag-retiro, subalit napunta siya sa pagiging sabik na makaupo bilang pangulo ng Pilipinas.
Isa pa, tumakbo rin siya bilang independent na kandidato gayong nananatili siyang tagapangulo ng Liberal Party. Ano ang nais nitong palabasin?
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga dahilan kung bakit banta si Leni Robredo sa ating demokrasya lalo na kapag ito ay nanalo.