Hindi na muling paloloko at pauuto sa mga pinklawan!

  • click to rate

     

    Bakit kaya hanggang sa kahuli-hulihang polls at surveys, hindi pa rin si VP Leni nangunguna?

     

    Kung tutuusin, ginawa at ibinigay naman niya ang lahat. Bongga ang kanyang mga campaign sortie. Kaliwa’t kanan ang kanyang pangangampaya sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Sinubukan pa nga niya ang house-to-house campaign, diba?

     

    Isa pa, ipinagmamalaki rin ng mga taga-suporta ni Leni na hindi lang ito ekonomista kundi abogada rin. Ito lang daw ang kumakandidato sa pagkapangulo na mayroong karanasan sa tatlong sangay ng pamahalaan, tulad ng sa executive, legislative, at judiciary.

     

    Bukod sa mga pinklawan, marami ring mga kakampi si Robredo. Kabilang na dito ang ilang social media platforms, TV networks, US-funded online news websites, fact-checkers, at mga kilalang artista sa larangan ng showbiz.

     

    Sa halos lahat ng mga balita sa internet at telebisyon, si Leni ang laging bida at pinupuri sa kanyang mga kilos bilang public servant. Magaganda rin ang mga sinasabi sa kanya ng ilang reporters.

     

    Kaya naman nakapagtataka na sa kabila ng lahat ng ito, napako siya sa pangalawang pwesto kung pagbabatayan ang mga survey. Bakit kaya?

     

    Isa sa mga nakikitang dahilan ng mga political analysts ay ang pagiging puppet umano nito ng mga dilawan/pinklawan. Sawang-sawa na raw ang taumbayan sa mga pambobola ng mga politiko mula sa Partido Liberal na sinimulan ng pamilyang Aquino.

     

    Sa katunayan, maraming pangako ang hindi tinupad nung umupo si Cory Aquino bilang pangulo hanggang sa nabigyan din ng pagkakataon ang anak nitong ni Noynoy na pamunuan ang bansa. Kailan ba raw naranasan ng mga nasa laylayan ng lipunan na umangat ang kanilang buhay?

     

    Dahil dito, natuto na raw ang mga tao sa mga pang-uuto ng dalawang Aquino na administrasyon. Ngayon mas wais na ang marami kaya hindi na sila papayag na pamunuan pa ng walang kakayahan na lider tulad ni Leni Robredo.