Ang Papel ng mga Komunista sa 2022 Eleksyon

  • click to rate

    Photo courtesy by Communist Party/Facebook

     

    Noon pa man ay bistado na ang papel na ginagampanan ng mga teroristang komunista tuwing panahon ng eleksyon. Sila ay nakikialam at nagsasamantala sa proseso ng malayang pagpapasya sa panahon ng halalan.

     

    May mga piling kandidato silang sinusuportahan at ini-endorso. Kapag nanalo ang mga manok nila, may benepisyo silang matatanggap.

     

    Isa na dito ang pagkakaroon ng mataas na posisyon sa gabinete ng uupong pangulo. Sa katunayan, may mga ilang politiko na kakampi ng mga pulahan na hindi masyadong nagpapahalata ng kanilang ugnayan sa mga rebolusyonaryong grupo.

     

    Bukod dito, mas lalong lalakas pa pwersa ng CPP-NPA-NDF kapag nanalo ang pambato ng mga komunista. Kung sakaling palarin si Leni Robredo na manalo ngayong halalan sa ika-9 ng Mayo, mapipigilan niya ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na lipulin ang mga rebeldeng grupo na naghahasik ng karahasan at kaguluhan.

     

    Isa pa, ang vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagbabala sa mga kandidato na makikipagtulungan sa mga grupo ng terorista o komunista. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabayad ng Permit to Campaign (PTC) at Permit to Win (PTW).

     

    "The CPP-NPA-NDF has no place in our electoral processes. These terrorists must not be allowed to interfere in the Filipino people's right to suffrage or to capitalize on the elections in order to sabotage the government from within," saad nito.

     

    Sa katunayan, milyun-milyon ang nakokolekta ng mga rebeldeng grupo sa pamamagitan ng pangingikil tuwing panahon ng halalan. Ito ay ibinunyag ng National Intelligence Coordinating Agency.

     

    Sa huli, ang taumbayan pa rin ang lugi sa pagpanig ng kampo ni Robredo sa mga komunista.

     

    Sa madaling salita, walang ibang maaapektuhan at maiipit kundi ang mga ordinaryong sibilyan sapagkat para na ring nanalo ang mga terorista kapag nagtagumpay si Robredo.